Pooling of risks over a large number of similar units such as households, persons or businesses ang insurance. Pinaghahati-hatian ng maraming ang risks – tulad ng kamatayan, pagkakasakit, aksidente, kalamidad – para ang financial loss ay hindi pasan lamang ng iisa kundi ng marami tao.
Term insurance
Upon death of the insured, may benefits paid to beneficiaries ang term insurance. May matatanggap na benefit sa mga beneficiaries kapag namatay ang insured. Ibig sabihin nito, kailangang may mamamatay (yung insured) para may tatanggap nito. Gusto n’yo ba ang claim na ito? Siyempre hindi, di ba? Kung sa akin lang, gusto ko buhay ako! Pero yan ang reyalidad sa buhay na hindi maiwasan. That goes without saying, lahat tayo ay mamamatay. Mangyayari at mangyayari ‘yan, kaya dapat lang na paghandaan. Sino ba sa atin ang hindi mamamatay? Kung breadwinner at may mga dependents, dapat kumuha ng term insurance. Pero kung walang dependents, hindi kailangang kumuha ng life insurance.
Disability insurance Benefit paid to beneficiaries upon disability o pagkabaldado ang disability insurance. Ibinabayad sa mga beneficiaries kapag yung insured ay ma-disable. Again, ito ay para sa mga breadwinners at may mga dependents.
Credit Insurance
Kung may utang tapos, kumuha ng credit insurance para kapag namatay ay hindi maipapasa sa estate ang utang. Ang insurance company ang magbabayad ng utang mo, in case na may mangyari sa iyo. Kaming mga may-ari ng financial institution na nagpapautang sa mga micoenterprises ay ikinukuha naming sila ng credit life insurance. So that in case na may biglang mangyari sa kanila ay hindi na kami tatakbo pa sa mga naiwang kamag-anak na maningil sa utang ng yumao.
Crop Insurance
Protection for poor crop yields and natural disaster recovery ang crop insurance. Ito ay ibinibigay kung mayroong natural calamities o di kaya’y natural disasters na tatama sa mga magsasaka tulad ng bagyo, pagbaha, drought, peste at marami pang iba.
Health Insurance
Medical coverage for illness and injuries ang health insurance. Kapag naospital o di kaya ay inoperahan, ang health insurance ang magkocover ng mga gastos sa hospital.
Property Insurance
Protection para sa damage, destruction and theft of household assets ang property insurance. Kung nagmamay-ari ng sasakyan, bahay, inventory ng business o warehouse, puwede itong iinsure.