Microinsurance: Abot-kayang klase ng insurance

Pinaka-essence ng insurance ang pooling of risks over a large number of similar units such as households, persons or businesses. Inispread natin ang risk para yung financial loss ay hindi lang sa atin tatama.

Insurance should not be treated as an investment

Hindi dapat pinagkakakitaan ang insurance dahil hindi ito investment. Para itong bayanihan, you are protecting against financial loss. Hindi financial gain ang habol dito kundi protection from financial losses. Nagbibigay ng proteksyon ang insurance ng katumbas na halaga sakaling mawala ang isang bagay.

Ang insurance ay involved with exchanging the uncertain prospect of large losses for the certainty of small, regular premium payments. Nagbabayad ang maraming tao at pino-pool natin. Ibig sabihin, nagbabayad tayo ng malilit para kapag may tinamaang isa sa pool na ‘yon ay may matatanggap to compensate for the loss.

Sa mga pagkakataong may biglang mangyari sa‘yo na hindi maiiwasan, kahit paano ay makakatulong sa mga mahal mo na may pagkuhanan sila sa ganyang pagkakataon. Yan ang insurance. Sana malinaw na malinaw yan.

Microinsurance defined

Ang microinsurance ay nakapaloob sa batas natin under RA 10607, otherwise known as the Amended Insurance Code. Ito ang definition na nakapaloob sa ating batas. It meets the risk protection needs of the poor. Ang target nito ay iyong mga nasa laylayan, mga low-income households kaya micro ang tinatawag diyan.

Ayon sa batas, ang premiums, fees and charges ng microinsurance does not exceed 7.5% of the current daily minimum wage. Sa PhP570 na daily minimum wage dito sa NCR, PhP42.75 ang katumbas nito. Kung gagamitin ang 260 days na average number of annual working days, hindi dapat lalagpas sa PhP11,115 kada taon.

Ito ang sinasabi sa ating batas na mga benefits na makukuha sa microinsurance: ang guaranteed benefits should not exceed 1,000 times of the current daily minimum wage. Katumbas ito ng PhP570,000 kung gagamitin ang parehong rate sa itaas.

Microinsurance for OFW family members

Very relevant ang microinsurance sa mga OFWs, dahil ginagawa silang “insurance” ng mga kamag-anak dito sa Pilipinas. Puwedeng ikuha sila ng microinsurance para hindi mga OFWs ang gagawing insurance policy.

Mas mura kasi ito. Magbabayad ng maliit na premium ang OFW para icover ang kanilang family members. Kapag may nangyari sa kanila, yung insured amount ay makukuha ng mga beneficiaries mula sa insurance company. Mapuputol ang dependency of family members sa OFWs.

Microinsurance for protection

So, there mga besties, ito ang detalyadong discussion ng microinsurance.  Laging tandaan na nag pagpaplano ng maaga ay isa sa pinakamagandang decision para kinabukasan mo at ng iyong mga mahal sa buhay.



Leave a Reply