May apat na forms ang insurance – formal, informal, public at hybrid.
Pooling of risks over a large number of similar units such as households, persons or businesses ang insurance. Inispread ang risk para ang financial loss ay hindi pasan lamang ng iisa kundi ng marami.
Formal insurance
Galing sa corporations and cooperatives ang formal insurance. Formal insurance ang tawag sa kanila dahil sila ay regulated ng Insurance Commission.
A cooperative is owned by members. Ang corporation on the other hand is a capitalist at profit-led. Mayroon ding Mutual Benefit Association (MBA) under formal insurance. Ito ay mga non-profit forms ng insurance companies sa Pilipinas.
Para sa akin, ang gusto ko talaga ay MBA o di kaya’y cooperative kasi hindi profit ang nauuna. Iyong kapakanan ng tao ang nangunguna.
Informal Insurance
“Damayan-based” scheme ang informal insurance. In Ilocano, damayan means “saranay”. Sa mga Bisaya, ito ay “dayong”. Sa mga Muslim brothers and sisters natin, ang tawag dito ay “takaful.”
Mahaba na talaga ang kasaysayan ng insurance dito sa Pilipinas. Dahil ingrained sa ating mga Pilipino ang damayan. Ginulo lang ito nga mga Westerners dahil ang ginawa nila itong for profit na siyang mas namamayagpag ngayon. Sa akin, ang insurance ay hindi dapat for profit.
Public Insurance
Idinagdag ko ito dahil ito ang mga social safety nets o social insurance schemes na ibinibigay ng gobyerno para sa atin. Examples nito ay ang mga insurance benefits – health, sickness, disability, unemployment, death etc. mula sa Pag-IBIG, PhilHealth at SSS.
Hybrid Insurance
Combination of both formal and informal forms ang hybrid insurance. Pinaghalo ang dalawa. May mga programa ding bukod sa formal at informal ay idinadagdag ang public insurance tulad ng Social Welfare Protection Program (SWEPP) ng SEDPI.