SEDPI at Ambagan PH Tumulong sa mga Nasalanta ng Bagyong Vicky

Agad na nag-abot ng tulong ang SEDPI at Ambagan PH sa 1,884 na nasalanta ng bagyong Vicky sa Agusan del Sur at Surigao del Sur. 

Matapos ang tuloy-tuloy na ulan na dulot ng bagyong Vicky sa Mindanao nagdulot ito ng pagbaha at landslide. 

Kasama sa naapektuhan ay ang mga residente ng Agusan del Sur at Surigao del Sur, kung saan mayroong microfinance operations ang SEDPI Development Finance, Inc. 

Mula sa 10,000 SEDPI members, 1,884 ang apektado sa mga bayan ng Trento, Santa Josefa, Barobo, at Rosario sa Agusan del Sur at Lingig at Bislig sa Surigao del Sur. Dalawa ang inanod ng baha ang bahay. Isa naman ang na-landslide.

Bago pa mabagyo ang Mindanao, naging handa ang SEDPI sa pagtulong nito sa mga nasalanta dahil sa Social Welfare Protection Program (SWEPP). 

SWEPP ay ang hybrid microinsurance program ng SEDPI na pinagsasama ang “damayan” o pagtutulungan ng kapwa; formal life insurance mula sa CLIMBS Life and General Insurance cooperative; at social safety nets mula sa gobyerno na binibigay ng SSS at Pag-IBIG Fund. 

Maliban sa regular contributions sa SSS at Pag-IBIG, nagcocontribute ang mga members ng PhP360 every six months para ma-cover ng SWEPP. 

Ang bahagi ng kontribusyon ay linalaan para sa “damayan”. Ginagamit ang naiambag ng mga members para tulungan ang kamember nila sa panahon ng kamatayan, pagkakasakit, sunog, o kalamidad. 

Pondo mula sa SWEPP Damayan ang pinagkuhanan para sa relief goods sa mga nabaha at dagdag na PhP5,000 sa tatlong na-wipe out ang bahay.

Ani ng Vince Rapisura, Presidente ng SEDPI,“Ito ay isang patunay na ang mahihirap ay kaya nilang tulungan ang mga sarili nila kung merong maayos na sistema at hindi kinukurakot.” 

Nadagdagan ang pondo para sa relief operation nung nag-donate ang Ambagan PH sa SEDPI Foundation, Inc. ng PhP20,000.

Ang Ambagan PH ay isang network ng volunteers at initiatives na nabuo para tumugon sa mga krisis, tulad ng bagyong Vicky. Donasyon at crowdsourcing ang pangunahing pinagmumulan ng kanila resources. 

Sa karanasan nila mula ng October 2020 na-realize nila na, “Walang maliit o malaking ambag. Sa panahon ng krisis, lahat ng ambag ay dakila.”

Bawat pack ng relief goods na napamigay ng SEDPI at Ambagan PH ay naglaman ng limang kilong bigas at ilang groceries na good for one week para sa pamilya na may limang miyembro.

Pasalamat ng SEDPI member na si Dondon Ocsema, “Malaking tulong iyon para suportahan ang ilang araw na kakainin lalo na ilang araw akong hindi nakapamasada.”

Dahil meron na silang makakain para sa isang linggo mas nabigyang tuon ng mga nasalata, tulad ni Dondon, ang pag-aayos sa kanilang mga bahay at gamit. 

Isa itong full-circle experience para kay Angelica Reyes o Anj na SEDPI Senior Program Officer at Co-Founder at Spokesperson din ng Ambagan PH. 

Nagsimula ang 2020 nang mag-interview si Anj, kasama ang iba pang taga SEDPI, ng members sa Agusan del Sur at Surigao del Sur para malaman ang impact ng microfinance program. 

Anj Reyes kasama ang ilang SEDPI members nung February 2020

Nagtapos ang taon na pinagtagpo ni Anj ang SEDPI at ang sinimulan niyang grupo na Ambagan PH para tumulong sa mga taong minsan ay nakadaupang-palad niya.

“Malaki ang pasasalamat ko sa SEDPI dahil marami sa organizational at administrative skills ko ay natutunan ko mula sa pagiging program officer ng SEDPI. Higit sa lahat, lalong napatibay ng SEDPI ang advocacy ko na makatulong sa kapwa.” – Angelica Reyes

Para sa mga gustong mag-ambag, pumunta lang sa facebook.com/ambaganph at i-click ang sign up link.

 

 

 

 



Leave a Reply